Senado, irerekomenda ang pagsuspinde ng Excise tax sa mga Oil Products
Irerekomenda na ng Senado na pansamantalang suspindihin ang Excise tax
na ipinapataw sa mga producktong petrolyo sa ilalim ng TRAIN Law.
Ayon kay Senador Grace Poe, chairman ng Senate Committee on Public
servies, resulta ito ng isinagawang pagdinig kanina sa Iloilo kaugnay
ng epekto ng patuloy na pagsirit ng presyo ng krudo.
Sa imbestigasyon aniya lumilitaw na pumalo na sa 30 percent ang
itinaas sa presyo ng krudo sa panay region o katumbas ng sampung piso
kada litro mula lamang noong Disyembre.
Nagresulta na rin ito ng pagtaas sa presyo ng bigas na umaabot sa
limang piso kada kilo, karne na kinse pesos kada kilo at 20 piso sa
kada kilo ng isda.
Sinisisi aniya ng mga consumers ang inaprubahang batas sa train na isa
sa pangunahing dahilan ng pagmahal ng presyo ng mga bilihin at
serbisyo.
Ulat ni Meanne Corvera