Senado isinusulong na itaas ang kompensasyon sa mga biktima ng unjust imprisonment
Isinusulong ngayon sa Senado na itaas ang kompensasyon sa mga nakulong dahil sa maling akusasyon o walang kasalanan.
Batay sa Republic Act no 7309 ang mga biktima ng unjust imprisonment ay maaring mag file ng kompensasyon isang libo sa bawat buwan na sila ay nakulong na ang maximum ay sampung libo sa loob ng sampung buwan.
Aa privileged speech ni Senador Raffy Tulfo sinabi nitong batay sa datos ng Public Attorneys Office noong 2008, umabot sa 218 libong mga nakasuhan ang napawalang sala habang nitong 2022 lang umabot naman sa 13, 164 ang na acquit sa mga kinakaharap na kaso.
Ibig sabihin ayon sa Senador marami ang nakakasuhan at nakukulong pero walang kasalanan.
Sinisisi ni Tulfo ang maling akusasyon at aniya’y pag-abuso ng ilang pulis na nagsasagawa ng pag-aresto.
Napapanahon na rin aniyang itaas ang tinatawag na quantum of evidence na isa sa mga requirement para masampahan ng kasong kriminal .
Sa ngayon kasi aniya simpleng probable cause lang ang hinahanap ay maaari nang magsampa ng kaso sa piskalya.
Meanne Corvera