Senado kinuwestiyon sa SC ang pagbabawal ni PRRD sa mga gabinete nito na dumalo sa hearings ng Blue Ribbon Committee
Nagpasaklolo sa Korte Suprema ang Senado kaugnay sa pagbabawal ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga opisyal at kawani ng Executive Department na dumalo sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.
Sa kanilang petisyon, hiniling ng mga senador sa Supreme Court na mag-isyu ng TRO laban sa nasabing direktiba ng presidente.
Kabilang sa mga petitioners sina Senate President Vicente Sotto III, Senate President Pro- Tempore Ralph Recto, Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, Senate Minority Leader Franklin Drilon, at Senate Blue Ribbon Committee Chair Richard Gordon.
Tinukoy na respondents sa petisyon sina Executive Secretary Salvador Medialdea at Health Secretary Francisco Duque III.
Una nang iginiit ng DOJ na hindi defiance o paglaban sa prerogative ng Senado na magsagawa ng mga pagdinig ang kautusan ng pangulo
Sa halip ito ay protesta sa paraan ng pagsasagawa ng pagdinig ng Blue Ribbon Committee ukol sa isyu ng pagbili ng pamahalaan ng COVID-19 supplies.
Moira Encina