Senado: Laban ng Pilipinas kontra Covid-19, tila paurong
Naniniwala ang mga Senador na back to square one na naman ang laban ng Gobyerno kontra sa Covid 19.
Ayon kay SenadorPanfilo Lacson, tama si dating Health Secretary Eperanza Cabral sa pahayag nitong tila mas lumala pa ang epekto ng Pandemya sa Pilipinas.
Sinusuportahan ni Lacson ang ginawa ng gobyerno na magpatupad ng mahigpit na sistema sa ilalim ng GCQ bubble pero sana aniya ay nagpaabiso ito ng maaga para nakapag-adjust rin ang mga negosyo.
Kuwestyon naman ni Senador Imee Marcos kung bakit tila paurong ang Pilipinas.
Sinisisi ng Senador ang aniya’y kabagalan ng gobyerno sa pagkuha ng mga bakuna dahilan kaya patuloy ang paglala ng kaso sa Pilipinas.
Para naman kay Senador Francis Pangilinan, kung hindi agarang matutugunan ng pamahalaan ang mabagal na rollout ng bakuna, kakulangan sa contact tracing, isolation at testing, patuloy na maaapektuhan at mahihirapan ang kalusugan ng publiko at babagsak pa ang ekonomiya.
Meanne Corvera