Senado maaaring irekomenda ang pagbuwag sa NFA
Pinag aaralan na ng Senado ang pagpapabuwag sa National Food Authority o NFA.
Ayon kaySsenador Cynthia Villar, chairman ng Senate Committee on Agriculture, dinidinig nila ang panukalang rice tariffication para rebisahin ang mandato ng NFA.
Sa harap ito ng umano’y pagkaubos ng suplay ng NFA rice.
Sinabi ni Villar na hindi naman talaga nagagawa ng NFA ang kanilang mandato lalo na ang bumili ng bigas sa mga lokal na magsasaka.
Makikipag usap aniya sila sa Department of Finance para pag-usapan ang budget sa mga empleyado na posibleng magretiro.
Senador Cynthia Villar:
“Hindi ko alam depende kasi mag uusap kami ng finance kasi if i-a-abolish sila we have to have budget para sa retirement ng mga tao. Maraming retiree so if ang recommendation ay tanggalin ang NFA then we have to provide for the retirement of the people”.
Iginiit naman ng mga Senador na dapat unahin na ang pagsibak sa mga pinuno ng NFA dahil hindi nila nagawa ang kanilang trabaho.
Kapwa sinabi nina Senador Sherwin Gatchalian at Grace Poe na sa panahon ni NFA Administrator Jason Aquino, nangyari ang kakapusan at lumala ang problema sa suplay ng bigas.
Ulat ni Meanne Corvera