Senado mag-i-imbestiga sa tumaob na pampasaherong bangka na ikinamatay ng 27 katao sa Binangonan, Rizal
Iimbestigahan na rin ng senado ang pagtaob ng pampasaherong bangka sa Binangonan, Rizal na ikinamatay ng dalawamput pito (27) katao
Sinabi ni senador Grace Poe na chairman ng senate committee on public services, nakakagalit at nakakalungkot ang nangyaring insidente
Marami aniyang buhay ang nawala dahil sa kapabayaan at posibleng katiwalian ng iba
Sabi ng senador kailangang may masampahan ng kaso bakit hinayaan na sobra na sa kapasidad ng bangka ang mga pasahero
Para kay senate minority leader Aquilino koko Pimentel masyadong maaga ang ginawang pag aalis ng philippine coastguard ng no sailing order
Ayon sa senador kahit nakalabas na ng bansa ang bagyo ramdam pa rin ang malalakas na hangin at tuloy ang pag ulan
Kwestyonable rin aniya na hindi na nag-inspeksyon ang mga taga coastguard at nagbatay lang sa manifesto na isinumite ng kapitan o crew ng bangka
Tiniyak naman ni Poe na iimbitahan nila sa pagdinig ang mga pamilya ng mga biktima sa nangyaring trahedya para malaman ang resulta ng kanilang kaso at kung nakatanggap ba ng sapat na kompensasyon.
Meanne Corvera