Senado magiging independent at hindi magpapa-impluwensiya sa iba pang sangay ng Gobyerno
Tiniyak ni Senate President Juan Miguel Zubiri sa pagbubukas ng second regular session ng 19th Congress na hindi magpapa-impluwensiya sa iba pang sangay ng gobyerno at ito’y magiging independent.
Sa kaniyang talumpati sinabi ni Zubiri na patuloy ang kanilang gagawing pag-iimbestiga sa mga masasamang gawain sa mga sangay ng pamahalaan, magbibigay tulong sa mga nangangailangan at ibubunyag ang mga anumang anomalya sa gobyerno.
Magpapasa aniya sila ng mga batas hindi dahil sa request ng pangulo kundi para sa kapakanan lalo na ng mahihirap na kababayan
Ipapatupad aniya nila ang kanilang oversight power para itama ang implementasyon ng mga batas
Mananatili rin aniya ang senado bilang fiscalizer at paiiralin ang demokrasya
Samantala, kinumpirma ni Senador Bong Go na kahit imbitado, hndi dadalo sa sona si dating Pangulong Rodrigo Duterte
Ayon kay Go, nasa Davao ngayon ang pangulo at pagod sa isang linggo byahe sa China
Si Duterte ay nakipagpulong kay Chinese President Xi Jinping pero ayon kay Go personal ang byahe ng pangulo.
Meanne Corvera