Senado,makikipag-ugnayan na sa mga economic manager at labor official ng administrasyon
Makikipag-ugnayan na ang mga Senador sa mga Economic Manager at Labor Official ng administrasyon para ilatag ang mga reporma sa pag- unlad ng manggagawang Pilipino.
Sa talumpati ng Pangulo sa kaniyang inagurasyon kahapon sinabi nito na dapat matiyak ang job opportunities, vocational training at pagtaas ng sweldo ng lahat ng mga manggagawa.
Partikular nitong tinukoy ang mga guro, nurse, at mga Overseas Filipino Workers.
Sinabi ni Senador Joel Villanueva,itutuloy ng Senado ang mga programa ng Duterte administration para sa institutionalization ng National Employment Strategy at Tupad Emergency Employment Program lalo na sa mga empleyadong naapektuhan ng COVID-19 crisis.
Ayon kay Senador Sonny Angara, susuportahan ng Senado ang mga patakaran ng pamahalaan para sa Economic Recovery at pagsulong ng Marcos Administration.
Ang pagpili aniya ng Pangulo ng malakas na economic team at pag- upo nito bilang kalihim ng Department of Agriculture ay katunayan ng kaniyang commitment na mabigyan ng solusyon ang problema ng mga mangingisda at magsasaka at maabot ang target na food security para sa mga Pilipino na nangangahulugan lamang ng unti- unting pagbangon ng bansa.
Meanne Corvera