Senado nag-adjourn na para bigyang daan ang kampanya sa mahahalagang panukalang batas , pinatibay
Nag – adjourn na ang Senado para bigyang daan ang kampanya ng mga kumakandidato sa Eleksyon sa Mayo.
Pero bago mag-adjourn nag-overtime ang mga mambabaas at pinagtibay ang mga panukalang batas na anila’y makakatulong sa paglaban sa pandemya at tulungan ang mga kababayang apektado ng COVID- 19.
Niratipikahan ng Kamara at Senado at pirma na lamang ng Pangulo ang hinihintay para maging batas ang mandatory healthcare benefits at allowances ng mga healthcare workers kapag may pandemya at public health emergency tulad ng COVID-19.
Sinabi Senador Sonny Angara na Chairman ng Senate Finance Committee na hindi lang mga healthcare workers na nagtatrabaho sa mga pampubliko at pribadong ospital ang tatanggap ng benepisyo kundi mga baranggay health workers na nakatalaga sa mga swabbing at vaccination site.
Ang Senate bill 2488 o Financial Consumer Protection Act ay sinertipikahang urgent ng pangulo dahil sa demand ng online banking at online financial transactions dulot ng pandemya.
Tinitiyak sa panukala na inisponsor ni Senador Grace Poe na hindi mananakaw ang pera ng mamamayan dahil sa cybercrime, paghack sa mga bank accounts at mabilis na pagresolba sa mga reklamo ng Online banking fraud.
Meanne Corvera