Senado, nagbantang ipaaaresto si dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon, kapag hindi pa rin sumipot sa pagdinig sa Lunes

Nagbanta ang Senado na ipaaaresto na si dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon.

Ito’y kapag hindi pa rin sumipot sa pagdinig sa Lunes kaugnay ng 6.4 billion shabu at talamak na tara system sa Bureau of Customs.

Nagdesisyon ang Senate Blue Ribbon Committee nai- cite in contempt si Faeldon matapos ang tatlong beses na pang iisnab sa imbestigasyon ng Senado.

Inamin ni Senador Richard Gordon, Chairman ng komite na irerekomenda rin nila ang kaso laban kay Faeldon kung patuloy itong magmamatigas sa imbitasyon ng Senado.

Nauna nang sinabi ni Faeldon na wala na siyang tiwala sa impartiality ng ilang miyembro nito at haharap lang sya kung kakasuhan siya at magkakaroon ng paglilitis sa Korte.

Ulat ni: Mean Corvera

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *