Senado naglaan ng pondo para matiyak na ligtas ang pagbabalik ng face – to-face classes
Tinitiyak ng Senado na sapat ang alokasyong pondo sa ilalim ng Panukalang 2023 budget para manatiling ligtas ang pagbabalik ng face-to-face classes.
Ayon kay Senate Committee on Finance Chairman Sonny Angara, maaaring gamitin ng lahat ng mga paaralan mula Kinder hanggang Grade 12 ang kanilang School Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) para magkaroon ng tamang ventilation ang mga silid-aralan at makabili at gumamit ng mga COVID-19 test kits para sa mga faculty at staff; at magkaroon ng tamang respiratory at hand hygiene; at rehabilitation ng mga water at sanitation facilities.
Pinagtibay rin ng kumite ang iba’t ibang financial assistance programs at scholarships tulad ng:
Universal Access to Quality Tertiary Education program;
Senior High School Voucher Program;
Education Service Contracting (ESC) for Junior High School;
Student Financial Assistance Programs o StuFAPs;
Joint Delivery Voucher for SHS Technival-Vocational-Livelihood Specialization; at ang,
Private Education Student Financial Assistance o PESFA.
Para naman unti-unting matugunan ang pagkukulang ng mga school building sa bansa, sinabi ni Angara na pinapayagan ang DepEd na mag-renta sa mga pasilidad ng mga pribadong aralan na hindi ginagamit.
Sa pagsisiguro ng Mental Health ng mga estudyante, tiniyak aniya ng senado na sa panukalang budget ay maipapatupad ng DepEd ang Mental Health Policy for Students and Personnel alinsunod sa Mental Health Act (RA 11036).
Inatasan din ang DepEd na magkaroon ng mga registered guidance counselors at mental health program administrators.
Meanne Corvera