Senado nagpalabas na ng Arrest order laban kay Apollo Quiboloy
Ipinaaresto na ng Senado si Apollo Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ .
Nilagdaan ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang arrest order laban dito dahil sa paulit- ulit na pang iisnab na humarap sa imbestigasyon .
Nag- ugat ang Arrest order laban kay Quiboloy sa rekomendasyon ng Senate Committee on Women, Children and Family Relations.
Hindi nakumbinse ang komite sa naging sagot ni Quiboloy sa inisyung show cause order ng Senado .
Ilang beses itong pinadalhan ng subpoena at show cause order ng komite dahil sa iniimbestigahang reklamo ng human trafficking, panghahalay, sexual abuse at iba pang kaso ng pang- aabuso sa mga menor de edad at kababaihan na miyembro ng kanilang organisasyon.
Pag- amin ni Zubiri, nagsagawa pa sila ng back chanelling talks para makumbisnde si Quiboloy na magpaliwanag.
Sa kautusan ng komite, bente kuatro oras ang ibinibigay sa mga kinatwan ng Sgt at Arms para ipatupad ang arrest order laban kay Quiboloy.
Sakaling maaresto,tiniyak ni Zubiri na bibigyan ng proteksyon si Quiboloy at ligtas siya sa gusali ng Senado.
Sakaling maaresto sinabi ni Zubiri kahit naka recess ang Kongreso, maari silang magpatawag ng imbestigasyon para bigyan ng pagkakaton si Quiboloy na magpaliwanag.
Ngayong linggo ang huling mga sesyon ng Senado para bigyang daan ang isang buwang break.
Meanne Corvera