Senado nagpasa ng resolusyon na nananawagan sa Malakanyang ng Total Deployment ban ng mga Household workers sa mga bansang walang protekyon sa Migrant workers
Pinagtibay na ng Senado ang inihaing resolusyon nina Senate President Aquilino Pimentel at Senador Manny Pacquaio na nananawagan sa gobyerno na magpatupad ng deployment ban sa lahat ng mga bansang hindi protektado ang mga migrant workers.
Nakasaad sa resolution 676 na obligasyon ng Estado na protektahan ang lahat ng mga manggagawa sa Pilipinas man o sa abroad.
Kapwa sinabi nina Pimentel at Pacquaio na dapat matuto na ang gobyerno sa kaso ni Joanna Demafelis na natagpuang patay sa loob ng freezer sa Kuwait.
Dapat anila na si demafelis na ang pinakahuling biktima ng pang-aabuso at hindi na dapat mangyari ito sa iba pang Overseas Filipino workers.
Nauna nang nagpatupad ng total deployment ban ang gobyerno laban sa Kuwait matapos ang kaso ni Demafelis.
Ulat ni Meanne Corvera