Senado nagpatupad ng mas mahigpit na guidelines sa pagpasok sa Senado
Magpapatupad ng mas mahigpit na health protocol ang Senado sa mga resource person at mga bumibisita roon.
Ito’y dahil sa kaso ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na nagpositibo sa COVID- 19 matapos dumalo sa budget hearing.
Sa inilabas na advisory ng Senado, obligadong magsumite ng COVID-19 RT PCR result , 24 hours pagkatapos kolektahin ang specimen.
Taliwas ito sa unang policy na dapat 72 hours o tatlong araw.
Kailangan din na isumite ang kopya ng kanilang vaccination card at dapat may hiwalay na kopya ang Senate Sgt. at Arms.
Meanne Corvera
Please follow and like us: