Dryrun ng Senado para sa pagtanggap ng COC’s at ER’s , isinagawa
Nagsagawa na ng dry run ang Senado para sa pagtanggap ng mga Certificate of Canvass at Election returns para sa Presidential at Vice presidential elections.
Ipinakita rito kung paano ang pagtanggap ng mga dokumento, pagtatala ng mga COC at ER mula sa sasakyan ng isang Comelec official, patungong reception area hanggang sa storage area.
Masusi ring titingnan ang mga ballot boxes at mga selyo nito para matiyak na hindi ito na tamper o kaya’y napalitan.
Batay sa proseso mula sa May 9, ang Senado ang magiging caretaker ng mga COC at ER hanggang maihatid ito sa Kamara kung saan isasagawa ang canvassing.
Ang Kamara at Senado ay nakatakdang magdaos ng joint session bilang National Board of Canvassers batay sa itinatakda ng saligang batas.
Ang NBOC ang magbibilang ng boto ng mga kandidato sa pagka Pangulo at pangalawang Pangulo at sila rin ang magpoproklama ng mga nanalo sa naturang posisyon.
Meanne Corvera