Senado, nagtalaga ng designated area kung saan ilalagak ang mga matatanggap na COC at Election returns
Handa na ang Senado na tumanggap ng mga dokumento na gagamitin sa pagbilang ng mga boto para sa pagka Pangulo at pangalawang Pangulo ng bansa.
Naglagay ang Senado ng isang designated area kung saan ilalagak ang mga matatanggap ng Certificate of Canvass at Election returns.
Ayon kay Senate Secretary Myra Villarica, magsisimula ang transmission ng mga dokumento sa tanggapan ni Senate President Vicente Sotto mula alas sais ng gabi sa May 9.
Kabilang sa kanilang tatanggaping dokumento ang mga COC at Election returns mula sa ibat-ibang probinsya at Overseas Absentee Voting.
Ipapalabas ito ng live sa Youtube channel ng Senado para maging transparent ang proseso.
May binuo ng ADhoc Committee na tatanggap ng mga dokumento.
Magiging mahigpit naman ang seguridad na ipatutupad sa Senado.
Meanne Corvera