Senado, nakakuha ng mataas na rating… inaasahan pang mag- iimprove sa mga susunod na buwan- ayon kay Senate Pres. Sotto
Ang Senado ang isa sa mga mas pinagkakatiwalaang institusyon sa mga sangay ng gobyerno.
Batay ito sa resulta ng survey ng Social Weather Station o SWS na ginawa mula June 27 hanggang June 30.
Sa resulta ng survey 57 percent ng mahigit 1,200 na mga respondents ang nagsabing kuntento sila sa performance ng Senado.
Pero bumaba ito ng 4 percentage points mula sa kanilang 45 percent sa unang quarter ng taong ito.
Taliwas naman ito sa performance ng Kamara na bumagsak na ng 10 points mula sa kanilang rating na plus 35 noong unang quarter ng 2018.
Ayon kay Senate President Vicente Sotto, inaasahan nilang tataas pa ang trust at confidence ng Senado sa mga susunod na araw.
Aminado si Sotto na mabagal ang naginfg trabaho nila dahil sa mga humabang debate sa mga panukala partikular na sa Bangsamoro Organic Law o BOL.
Nangako si Sotto na magdodoble kayod para marami pang maaksyunang panukalang batas.
Ulat ni Meanne Corvera