Senado nirerespeto ang desisyon ng Kamara na tanggalan ng Confidential Funds ang mga civilian agencies ng gobyerno
Wala pang desisyon ang Senado kung susundan ang desisyon ng Kamara na tanggalan ng Confidential Funds ang mga civilian agencies ng gobyerno tulad ng Office of the Vice President o OVP at Department of Education o DepED
Bukod sa OVP at DepEd, tinanggal ang Confidential Funds ng Department of Agriculture o DA, Department of Foreign Affairs ODFA at Department Information and Communications Technology o DICT
Ayon kay Senate Finance Chairman Sonny Angara, nirerespeto nila ang desisyon ng Kamara bilang co- equal body.
Wala pa aniyang nabubuong concensus hinggil dito pero pag-uusapan ito ng mga Senador sakaling isalang ang pambansang budget sa period of amendments
“May kanya-kanyang opinyon ang bawat Senador dito, iba gusto tanggalin, iba gusto bawasan, iba pareho lang so well have to reach consensus ganyan naman ang style namin dito sa Senado we discuss it usually in caucus and we reach consensus sa floor may smooth sailing na.” pahayag ni Senador Sonny Angara
Ang minority block sa Senado ang nagsusulong na matanggal ang intel funds ng mga civilian agencies at ilipat sa Philippine Coast Guard at iba pang ahensyang nagbibigay seguridad ngayong matindi ang pambu-bully ng mga Chinese Coast Guard sa West Philippine Sea
Sa proposed budget sa susunod na taon, aabot sa 500 million ang Intel Funds ng OVP, 150 million sa DepEd habang 50 million sa DA
May commitment na si Senate President Juan Miguel Zubiri sa Department of National Defense at Philippine Coastg Guard na bibigyan ng mas malaking pondo sa susunod na taon
Sa tanong kung saan ito kukunin ayon kay Angara, posibleng bawasan ang mga pondo na may mababang utilization o mabagal na paggastos.
“Pag-uusapan mga obligation rate, disbursement rate ang patakaran diyan hindi nagamity budget mabagal sa pagasto makaki ang tiyansa na mababawasan dun usually kinukuha nire-realign sa mga mangangailangan essential agencies.” dagdag pa ng mambabatas
Sa susunod na linggo target ng senado na tapusin na ang pagtalakay sa pondo sa committee level
Plano kasi ng komite na maisumite na ito sa plenaryo sa pagbabalik ng sesyon sa november 6.
“About a week to prepare committee report will have it ready first week of November.” wika pa aniya
Meanne Corvera