Senador Pacquiao, sasagutin ang gastos ng 13 TV channels na gagamitin ng DepEd sa online learning
Sasagutin ni Senador Manny Pacquio ang gastusin para sa operasyon ng 13 TV channels na gagamitin ng Department of Education para sa distance learning.
Sinabi ni Pacquiao na marami ng mga bata lalo na sa mahihirap na komunidad ang walang internet access para sa kanilang online learning habang ang ibay walang pambili ng gadgets.
Bukod rito, hindi pa 100 percent ang coverage ng internet sa Pilipinas, kaya kahit may pambili ng laptop o gadget, hindi pa din nakasisiguro na aabot sa mga kabataan ang mga aralin buhat sa DepEd.
Ayon sa senador, sa tulong ng mga nasa industriya ng Telecommunications, nagawan ng paraan para may magamit na 13 TV channels ang DepEd nang walang gastos sa gobyerno at mga estudyante.
Kaya wala nang dahilan para hindi matuloy ang pag-aaral ng mga bata sa Oktubre.
Naisumite na ng tanggapan ni Pacquiao sa DepEd ang proposal at hinihintay na lamang ang approval.
Sa datos ng DepEd, umaabot sa mahigit 24 namilyon ang nagpa-enroll para sa pasukan ngayong Oktubre hanggang sa 2021.
Meanne Corvera