Senado pagpapaliwanagin ang mga ahensya ng gobyerno sa hindi nagastos na Bayanihan funds
Pagpapaliwanagin ng Senado ang mga ahensya ng gobyerno sa hindi nagastos na pondo sa Bayanihan Law para labanan ang Covid-19 Pandemic.
Ang naturang batas ay nag-expire na noong Miyerkules.
Sa impormayon ni Senador Sonny Angara, chairman ng Senate Finance Committee, aabot pa sa 63. 7 billion ang hindi nagastos sa Bayanihan 2 Law.
Paglilinaw naman ni Angara kahit nagpaso na ang batas, may mga probisyon dito na nagpapahintulot para magamit pa ang ilang bahagi ng pondo lalo na ang benepisyo ng mga healthcare worker.
Kabilang na rito ang kompensasyon para sa mga nagkaroon ng Covid-19 habang naka duty, special risk allowance, hazard pay ng mga frontliners at medical expense coverage sakaling ma- expose sa covid o work related injury.
Senador Sonny Angara:
“One of the key features of Bayanihan 2 is the benefits provided to our heroic health workers who continuously put their lives at risk in order to save lives. It was the clear intent of Congress that the grant of these benefits should not cease even after Bayanihan 2 and the law extending the availability of B2 funding expires. The battle against COVID-19 and its variants does not end with the expiry of these laws so we must continue to provide support to our health workers at least until the state of national emergency is lifted by the President”.
Sa naturang batas, ang mga health worker sa mga pribadong at pampublikong ospital, makaka kuha ng 15,000 pesos kapag nagkaroon ng mild hanggang moderate Covid cases, 100,000 piso sa mga severe at critical cases habang isang milyong piso kapag namatay ang isang Healthcare workers.
Magpapatuloy rin ang financial relief para sa mga agrarian reform beneficiaries.
Meanne Corvera