Senado pagpapaliwanagin ang mga opisyal ng MIAA sa epektong dulot ng pagsadsad ng Xiamen Airlines

Pagpapaliwanagin ng Senado amg mga opisyal ng Manila International Airport Authority o MIAA sa mabagal na aksyon sa pagsadsad ng eroplano ng Xiamen Airlines noong Biyernes.

Sinabi ni Senador Grace Poe, chairman ng Senate Committee on Public Services na maghahain siya ng resolusyon para alamin bakit tumagal ng halos dalawang araw bago tuluyang naialis ang sumadsad na eroplanonna nagdulot ng pagkakaparalisa sa biyahe ng iba ang eroplano.

Kailangan aniyang malaman ang operational procedures sa mga ganitong insidente.

Kasama sa mga ipapatawag sa pagdinig sina Transportation secretary Arthur Tugade, Manila International Airport Authority General Manager Eddie Monreal, mga airline executives at mga nagrereklamong pasahero.

Senador Poe:
“Ano ba o meron nga bang standard operating procedure sa mga ganitong aksidente? This is not the first time that a plane has skidded off the runway and it certainly won’t be the last. Bakit inabot ng dalawang araw bago magsimula ulit ang operasyon ng NAIA? Hindi ba kayang gawin ito nang mas mabilis para hindi gaanong naperwisyo ang libu-libong pasahero?” 

Nauna nang iginiit ng mga Senador ang pagtatayo ng bagong airport sa labas ng Metro Manila dahil hindi uubra ang single runway katulad sa NAIA.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *