Senado pinag aaralan na ang pagpapawalang bisa ng Bank Secrecy Law
Pinag-aaralan na ng Senado ang pagpapawalang bisa sa Bank Secrecy Law.
Ayon kay Senador Francis Escudero, Chairman ng Senate Committee on Banks, nagagamit ang batas para ipangdepensa at itago ng mga public officials o sinumang indibidwal ang kanilang umano’y iligal na yaman.
Inihalimbawa nito ang kinukwestyong bank account ni COMELEC Chairman Andres Bautista na hindi maaring isapubliko ng Luzon Development Bank sa pangambang makasuhan ng paglabag sa bank secrecy.
Sabi ni Escudero, ang Pilipinas at Lebanon na lang ang gumagamit ng naturang batas at napapanahon na itong ipawalang bisa.
Pagtiyak naman ng mga Senador, maglalatag sila ng safeguards para hindi ito magamit sa pangha-harass laban sa mga kalaban ng gobyerno o sinumang pribadong indibidwal
Ulat ni: Mean Corvera