Senado, pinag-aaralan na dagdagan ang Calamity fund sa 2021 budget
Pinag-aaralan na ng Senado na dagdagan ang calamity fund ng gobyerno sa susunod na taon sa ilalim ng 2021 proposed National Budget.
Ayon kay Senador Sonny Angara, Chairman ng Senate Committee onn Finance, plano nilang magpasa ng supplemental sa calamity funds o kaya’y magsagawa ng realignment oras na talakayin ang pambansang pondo sa susunod na linggo.
Sa November 8 magreresume ang sesyon ng Senado para isalang sa plenaryo ang panukalang 4. 5 trillion National Budget.
Pinag-aaralan na aniya nila kung saang departamento ng gobyerno kukunin ang pondo.
Nauna nang inamin ng mga Local Government Units na ubos na ang kanilang calamity funds dahil sa ibat-ibang kalamidad na tumama sa kanilang mga probinsya gaya ng lindol, bagyo bukod pa ang Pandemya ng Covid-19.
Meanne Corvera