Senado pinagkukomento ng SC sa petisyon VS arrest order kay Quiboloy
Inatasan ng Korte Suprema ang Senado na magkomento sa petisyon ng kampo ni Kingdom of Jesus Christ leader Apollo Quiboloy na humihiling na ipatigil ang implementasyon ng arrest order ng Senado.
Sinabi ni Supreme Court Spokesperson Atty. Camille Ting na binigyan ng 10 araw ang Senado para sagutin ang hirit na TRO ng petitioners laban sa pagpapaaresto kay Quiboloy.
Dahil wala namang ipinalabas na TRO ang SC ay nangangahulugan na epektibo pa rin ang utos ng Senado.
Iginiit ni Quiboloy na paglabag sa kaniyang karapatan sa due process at self-incrimination ang imbestigasyon ng Senado ukol sa mga kasong kinasasangkutan nito.
Moira Encina