Senado pinal nang pinagtibay ang pagpapaliban sa Brgy at SK Elections
Pinal ng pinagtibay ng Senado sa third at final reading ang panukalang batas na maipagpaliban ang Barangay at Sangguniang Kabataan sa elections na nakatakda sana ngayong Disyembre.
Labimpitong Senador ang bumoto pabor sa Senate bill 1306 na inisponsor ni Senador Imee Marcos.
Sa inaprubahang panukala, isasagawa ang eleksyon sa Disyembre 2023.
Nakasaad sa panukala na mag-uumpisa ang panunungkulan ng mga nahalal sa 2023 barangay at Sk Elections sa January 1, 2024.
Hanggang January 1, 2024 naman ma-eextend ang termino ng mga kasalukuyang Barangay at SK officials.
Meanne Corvera
Please follow and like us: