Senado, planong imbestigahan ang paggamit ng Ivermectin
Pinag-aaralan ng liderato ng Senado na imbestigahan ang isyu ng paggamit ng Ivermectin at kung nakakagamot nga ba ito laban sa Covid-19.
Sa harap ito ng babala ng Food and Drug Administration (FDA) sa paggamit ng Ivermectin bilang panggamot sa mga may malalang kaso ng Covid-19.
Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, sa pagbabalik ng sesyon sa May 17 ay magsasagawa siya ng Priveledge Speech para hilingin sa Committe on Health na tingnan ang katotohanan sa paggamit ng gamot.
Napapanahon na aniyang magkaroon ng sapat na kalaaman ang publiko hinggil sa gamot.
Nais ring malaman ni Sotto kung bakit tumatangi ang FDA na ipagamit ito sa publiko gayong may mga pag-aaral na sa ibang bansa na nakagagamot ito.
Marami na rin aniyang testimonya ang mga naging biktima ng Covid sa Pilpinas na gumaling sila at nawala ang virus matapos uminom ng Ivermectin.
Inamin ni Sotto na umiinom siya ng Ivermectin bilang prevention sa Covid- 19 dahil mismong mga eksperto sa ibang bansa ang nagsabing ligtas ito para sa Human consumption.
May hinala si Sotto na may ilang Pharmaceutical companies ang humaharang kaya atubili pa rin ang FDA dahil higit na mas mura ang Ivermectin kumpara sa ibang gamot na ginagamit laban sa Covid-19.
Meanne Corvera