Senado rerepasuhin ang paghahanda ng DA sa inaasahang krisis sa tubig
Nais alamin ng Senado ang mga hakbang at paghahanda ng Department of Agriculture (DA) sa pinangangambahang krisis sa tubig dahil sa nagbabadyang El Niño.
Nais alamin ng Senado ang mga hakbang at paghahanda ng Department of Agriculture (DA) sa pinangangambahang krisis sa tubig dahil sa nagbabadyang El Nino
Ayon kay Senate Minority Leader Aquilino koko Pimentel, maghahain siya ng resolusyon para manawagan na magsagawa ng pagdinig ang Senado at tingnan ang posibleng epekto ng tagtuyot.
Katwiran ng Senador, dapat ngayon pa lang may mga nakalatag nang hakbang ang D-A at iba pang ahensya ng gobyerno gaya ng MWSS.
Kapansin-pansin aniya ang pananahimik ng mga ahensyang ito samantalang matindi ang inaasahang epekto ng tagtuyot.
Bukod sa tubig, may malaki aniya epekto ang tagtuyot sa mga pananim kaya dapat ipaalam ng mga ahensyang ito ang ginagawa nilang hakbang para maiwasan ang kakapusan sa pagkain tulad ng bigas.
Meanne Corvera