Senado, susuriin ang mga panukalang tutugon para sa pagbangon ng ekonomiya sa gitna ng pandemya
Handa ang Senado na magpasa ng mga bagong batas na makakatulong para sa pagbangon ng bansa laban sa COVID- 19 pandemic.
Sa kaniyang talumpati sa pagbubukas ng 3rd regular session ng 18th Congress, sinabi ni Senate President Vicente Sotto na kailangang tulungan ang mga pangunahing industriya o sektor na magsisilbing siklab sa pagdaloy ng pera sa ekonomiya.
Mahalaga aniya na buksan ang mga serbisyo na magdadala ng pangkabuhayang-kita sa mamamayan.
Maglaaan rin aniya ng pondo sa lahat ng programa pantugon sa COVID- 19 pero tiniyak na gagamitin ang oversight function nito para bantayan ang gagawing paggastos ng gobyerno.
Gagawa rin aniya ng batas para sa paghahanda para sa kalamidad ngayong matindi ang problema ng bansa matapos ang lindol at pagputok ng bulkan.
Tiniyak ni Sotto na Handang makipagtulungan ang senado sa mga sangay ng pamahaalaan para mapabilis ang pagbangon ng bansa.
Meanne Corvera