Senado target na matapos ang pagtalakay sa 2023 panukalang National Budget sa unang linggo ng Disyembre
Kahit naka break ang dalawang kapulungan ng Kongreso, tuloy ang pagtalakay ng Senado sa panukalang 5.268 trillion National budget para sa susunod na taon.
Ayon kay Senador Sonny Angara na Chairman ng Senate Finance Committee, target kasi nilang tapusin ang paghimay sa pondo ng bawat departamento at ahensya ng gobyerno ngayong Oktubre.
Ito’y para mai-endorso at matalakay ito sa plenaryo ng senado sa pagbabalik ng sesyon sa unang linggo ng Nobyembre.
Target nilang mapagtibay ang pambansang budget sa unang linggo ng disyembre para maisumite at mapalagdaan sa pangulo.
Sinabi ni Angara sa ngayon ay umaabot pa lang sa 60-70 percent ang utilization rate o paggamit sa budget ngayong taon.
Kaya apila niya sa Malacañang magtalaga ng mga permanenteng opisyal sa mga tanggapan at hindi dapat mga OIC.
Meanne Corvera