Senado, tatalakayin kay Ambassador Huang Xilian ang isyu ng West Phil. Sea
Tatangkain ng liderato ng Senado na talakayin kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian ang isyu ng West Philippine Sea.
Sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na naimbita siya sa isang pagtitipon sa Martes, May 11 kung saan imbitado rin si Huang Xilian.
Maaari aniya silang magkaroon ng informal meeting at isa sa kaniyang uusisain ang patuloy na pamamalagi ng mga barko ng China sa islang sakop ng Pilipinas.
SP Sotto:
“What I can do is that I think Tuesday, or Wednesday I am meeting with the Ambassador of China. Siguro in my own little way, I can help to find out what we can do to better foster friendly relationship with them. I need not bring it up, I am sure he would bring it up also. If not, I will ask him about it. Parang tayong magkaibigan, ano ba, pare, paano ba natin maayos itong bakuran natin, di ba”?
Sinusuportahan naman ni Sotto ang posisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa ruling ng Arbitral Tribunal sa WPS.
Ayon kay Sotto, idineklara ng International Court na ang WPS ay bahagi ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas pero hindi nakasaad sa ruling na dapat lumayas ang mga barko ng China sa isla.
Paglilinaw naman ng Senador, hindi ito nangangahulugang isinusuko ng Gobyerno ang karapatan sa isla.
Katunayan aniya nito ang utos ng Pangulo na pagpapaigting ng pagpapatrolya sa lugar kung saan naitaboy na ang ilang barko ng China.
Maaari naman aniya itong idaan sa diplomatikong proseso sa halip na magkipag-giyera laban sa China.
Pinuna rin ni Sotto ang mga bumabatikos sa pahayag ng Pangulo.
“For those who are criticizing the President for his statements, what do you want to do? There are only two things that we can do. One, negotiate or two, go to war. Which one do you want? You know if I were the President, I will ask them. I will ask these critics eh, ano gusto ninyo sa dalawa? Negotiate or go to war? That’s the only thing we can do there diba? Negotiate. Tell them that it’s ours, yung ginagawa ng coast guard ngayon na pinapaalis yung mga, doon sa area natin ng South China Sea, na atin, na tawag natin West Philippine Sea. Ok yung ginagawa ng coast guard na ganon eh. As long as there is no armed conflict”.
Meanne Corvera