Senado, tiniyak na hindi malalabag ang karapatang pantao kapag isinabatas ang National ID System

Tiniyak ng liderato ng Senado na hindi malalabag ang mga karapatang
pantao sakaling maaprubahan at maging batas ang National Identification system.

Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, may inilagay na mga probisyon ang Kongreso para protektahan ang karapatan ng publiko.

Katunayan, ang Philippine Statistics Authority o PSA ang magiging repository o tagapangalaga ng mga impormasyon.

Kakailangan rin aniyang humingi muna ng permiso mula sa Department of
Communications and Technology o DICT para makuha ang anumang personal na impormasyon ng isang indibidwal.

Nakasaad din aniya sa panukala na maaring makulong ang sinumang
maglalabas ng impormasyon ng walang pahintulot ang DICT o Korte.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *