Senado tiniyak na malalagdaan ang Panukalang Pambansang pondo bago matapos ang taon
Tiniyak ni Senate President Vicente Sotto III na malalagdaan na ni Pangulong Duterte ang panukalang P 4.5-trillion budget bago ang kanilang break sa disyembre.
Ayon kay Sotto, target nilang matapos ang deliberasyon sa budget sa december 8 para mayroon pa silang isang linggo na maipa- imprenta ang budget at maisumite sa tanggapan ng pangulo.
Simula sa November 11 hanggang November 17 target ng senado na isalang sa debate sa plenaryo ang 2021 budget.
Nagpapasalamat si Sotto dahil sa maagang submission aniya ng budget magkakaroon ng pagkakataon ang mga Vice Chairman ng bawat komite para mareview ang detalye nito bago pa man isalang sa plenaryo.
Tiniyak ni Sotto na magiging malinis ang 2021 budget para sa anumang budget insertions at wala silang aaprubahang lumpsum.
Wala rin silang balak na palampasin ang anumang lumpsum funds sa department of public works and highways na idedepensa ni Secretary Mark Villar kahit pa miyembro ng senado ang kaniyang ina.
Sa DPWH nakikita ng mga senador na madalas ipina park ng mga kongresista ang kanilang congressional insertions.
Meanne Corvera