Senado umapila na i certify ang maritime bill
Umapila si Senate President Vicente Sotto III kay Pangulong Duterte na i certify na urgent ang panukalang pagbuo ng maritime zone map ng Pilipinas.
Sa harap ito ng sunod sunod na panghaharass ng chinese navy at coastguard sa mga barko ng pilipinas sa west philippine sea.
Sa Senate bill no. 2289 na inihain ni Sotto , lilikha ng mapa ng Pilipinas para sa maritime areas tulad ng nine dash line ng China.
Ayon kay Sotto , ang panukala ay nakabatay sa 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea.
Hindi aniya dapat pumayag ang Pilipinas sa panggigipit ng China.
Naniniwala si Sotto na ang West philippine sea ay mayaman sa natural gas at langis kaya ito inaangkin ng China.
Kakausapin ni Sotto si House speaker Lord Allan Velasco para matiyak na lulusot ang counterpart bill sa Kamara.
Meanne Corvera