Senado walang nakikitang batayan para amyendahan ang Rice Tarrification Law
Walang nakikitang dahilan si Senador Cynthia Villar para rebisahin o amyendahan ang umiiral na Republic Act no. 11203 o Rice Tarrification Law.
Sagot ito ng Senador sa umano’y undervaluation ng mga imported rice.
Katwiran ni Villar, chairman ng Senate Committee on Agriculture, problema na ito ng Bureau of Customs (BOC) dahil pinapayagan ang smuggling.
Iginiit ng Senador na batay sa batas dapat magkaroon ng institutionalization ng national single window system.
Sa ganitong sistema, dapat computerize na ang operasyon ng BOC para hindi mga tauhan lang ng ahensya ang nagdedesisyon kung magkano ang babayarang buwis ng mga rice importers.
Kuwestyon pa ng Senador paano aamyendahan ang isang batas na halos kakapatupad lamang.
Pebrero ngayong taon nang lagdaan ito ni Pangulong Duterte pero Abril na naipatupad dahil bimalangkas pa ng implementing rules and regulations.
Ulat ni Meanne Corvera