Senado,naghain ng panukala para palawigin pa ang voter’s registration
Naghain na ng panukala ang tatlumput dalawang senador para sa pagpapalawig ng voters registration.
Inindorso na para sa approval sa plenaryo ng Senado ang Senate Bill No. 2408. Sa panukala, palalawigin hanggang October 31 ang pagpaparehistro ng mga botante mula sa orihinal na deadline na September 30.
Iginiit ng mga Senador na dapat bigyan ng sapat na panahon ang mga botante na magparehistro na naantala dahil sa epekto ng mga quarantine restrictions dulot ng COVID -19.
Paliwanag pa ng mga mambabatas, hindi dapat hadlangan ang mga filipino sa kanilang constitutional rights to vote.
Sa datos ng Senado mula sa PSA, tinatayang aabot pa sa 12 milyon ang mga kabataan at mga bagong botante na hindi pa nakakapagparehistro.
Napilitan ang mga Senador na maghain ng panukala matapos tanggihan ng Commission on elections ang kanilang resolusyon para sa voters registration dahil maantala ang kanilang paghahanda sa halalan.
Meanne Corvera