Senador Antonio Trillanes binatikos ng Malakanyang sa patuloy na panganganlong sa Senado

Inakusahan ng Malakanyang si Senador Antonio Trillanes na ginagamit ang gusali ng Senado para makakuha ng simpatiya ng publiko.

Sinabi ni Presidential Legal Counsel Chief Secretary Salvador Panelo na walang dahilan para magtago pa sa Senate building si Trillanes.

Ayon kay Panelo mismong ang Korte Suprema ay pinanghahawakan ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi aarestuhin si Trillanes hangga’t walang arrest warrant na inilalabas ang hukuman kaya hindi pinagbigyan ang petisyon ng Senador na maglabas ng Temporary Restraining Order o TRO.

Inihayag ni Panelo na gustong palabasin ni Trillanes na ginigipit at inaapi siya ng administrasyon para makakuha ng simpatiya at suporta sa publiko.

Matapos ibasura ng Korte Suprema ang TRO petition ni Trillanes ayaw paring lumabas sa Senate building ang Senador dahil hindi naniniwala na hindi siya ipapaaresto ng pangulo matapos pawalang bisa ang kanyang amnestiya.

 

Ulat ni Vic Somintac

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *