Senador Antonio Trillanes naghain na ng not guilty sa korte sa Davao para sa kasong libelo
Nakapaghain na ng not guilty plea sa korte sa Davao si Senador Antonio Trillanes kaugnay ng kasong libelo na isinampa laban sa kanya ng anak ng pangulo na si dating Davao Vice Mayor Paolo Duterte at bayaw na si Atty Manases Carpio.
Si Trillanes ay sinampahan ng apat na counts ng libelo ng magkapatid matapos idawit sa umanoy smuggling ng shabu at extortion sa kumpanyang Uber.
Ayon kay Trillanes, na nagtungo sya sa sala ni Judge Melinda Dayanghirang sa Branch 54 ng Davao City Regional Trial Court para patunayan na handa nyang harapin ang mga kasong ibinabato laban sa kanya.
Noong Disyembre naglabas na ng warrant of arrest ang Davao RTC laban kay Trillanes pero nakapaglagak ito ng pyansa na aabot sa 24 thousand pesos.
Hindi nababahala si Trillanes dahil ang mga kaso ay bahagi ng pangha harass sa kanya ng administrasyon.
“Mga harrasment cases just to incovinience me para ma distract ako pero d ako mapapa distract, i will continue my mandate bilang miyembro ng oposisyon kailangan ang oppo para kapag may pag abuso at pagamalabis ay napupuna natin yan ang demokrasya.”
Nagpasalamat si Trillanes dahil sa aniyay mainit na pagtanggap sa kanya ng mga taga davao kahit pa idineklara na syang persona non grata.
Ito ang unang pagkakataon na nakabalik sa Davao City si Trillanes mula noong February 2018.
“Surprisingly warm. Sa akin naman, I still believe lahat tayo mga Pilipino, ‘yung iba nakakaintindi doon sa ginagawa ko kaya maganda ‘yung pagsalubong. Pero of course, naintindihan din naman natin ‘yung ibang nasasaktan doon sa pagposisyon ko laban sa administrasyong ito. That’s how democracy works
Samantala hiniling na rin ni Trillanes sa korte na payagan syang makapagbyahe sa Estados Unidos sa January 27 hanggang Debruary 10 pero wala pang desisyon ang korte sa isyu.
Ulat ni Meanne Corvera