Senador Antonio Trillanes pinayuhan ng Malacañang na sa korte na magpaliwanag

Hinikayat ng Malakanyang si Senador AntonioTrillanes IV na harapin na lang sa korte ang kanyang kasong mutiny at rebelyon.

Ito’y matapos pagbigyan ng Makati Regional Trial Court ang petisyon ng Department of Justice na maglabas ng alias warrant of arrest at hold departure order laban kay Trillanes.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na nagsalita na ang hukuman na siyang hinihintay ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos pawalang bisa ang amnesty ni Trillanes sa pamamagitan ng proclamation number 572.

Ang proclamation 572 ang nagpawalang bisa sa amnesty ni Trillanes na ibinigay ni dating Pangulong Noynoy Aquino sa pamamagitan ng proclamation 75.

…….

FROM THE OFFICE OF THE PRESIDENTIAL SPOKESPERSON
On the arrest of Senator Trillanes
The court has spoken.
As the President has said, we will respect the decision of the judiciary.
Whatever Senator Antonio Trillanes IV has to say can be addressed to the court.
Let us stop the drama by presscon and allow the legal process to take its course.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *