Senador Bato dela Rosa , umatras na sa panukalang i-descriminalize ang illegal drug use
Kumambyo na si Senador Ronald Bato dela Rosa sa panukalang tanggalin na ang parusang kulong at gawing legal ang paggamit ng illegal drugs.
Ang panukala ay nakapaloob sa Senate Bill no 202 na inihain ni dela Rosa na layong amyendahan ang Comprehensive Dangerous Drugs law na sinimulan nang talakayin sa Senado.
Aminado si dela Rosa na nagdadalawang isip siya ngayon dahil sa mahigpit na pagtutol ng publiko at ng law enforcers.
Iginiit naman ni dela Rosa na isinulong niya ang panukala dahil sa dami ng mga nabilanggo dahil sa paggamit ng illegal drugs lalo na sa panahon ng oplan tokhang ng Duterte Administration.
Isinulong niya raw ito dahil marami sa drug users na naaresto at nakulong nais namang magbago at sumailalim sa drug rehabilitation pero ang problema mangangailangan pa ng court order.
Kailangan rin aniyang tingnan bilang health problem ang drug addiction at hindi isang criminality issue.
Pero sinabi ni dela Rosa hindi niya pa tuluyang inaatras ang panukala.
Kailangan lang aniya ay ikonsulta pa ito sa mga eksperto para malaman kung may iba pang remedyo
Pero ang kaniyang kaalyado na si senator christopher bong go, sinabing malabo itong lumusot sa Senado
Tutol si Go dahil maari pa aniya itong gamiting palusot ng mga nagtutulak ng iligal na droga.
Kung siya ang tatanungin hindi napapanahong idecriminalize ang illegal drug use at dadaan ito sa mahabang debate sa Senado.
Meanne Corvera