Senador Bato , umalma sa desisyon ng Muntinlupa RTC na makapagpiyansa si de Lima
Iginagalang ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang desisyon ng Muntinlupa Regional Trial Court na payagang makapagpiyansa si dating Senador Leila de Lima sa mga kasong illegal drug trade.
Si dela Rosa ang pinuno ng PNP nang kasuhan at maaresto si de Lima noong 2017.
Ayon sa Senador, kung talagang mahina ang ebidensiya at kaso laban sa dating mambabatas, bakit ngayon lang nagdesisyon ang Korte.
Ayaw magkomento ng Senador kung may kinalaman ito sa pulitika.
Pero sa kaniyang karanasan, tila trend na sa Pilipinas na kapag may inihaing kaso ang nakaraang administrasiyon, humihina at naibabasura ito kapag nagpalit na ang administrasiyon.
Inamin naman ng Senador na ang desisyon ng Korte ay may malaking setback sa kampanya laban sa illegal drugs.
Meanne Corvera