Senador Bong Revilla, tuluyan nang nakarekober sa Covid-19
Nakalabas na ng kaniyang isolation room at self-quarantine si Senador Ramon “Bong” Revilla.
Sa isang mensahe, sinabi ni Revilla na matapos ang mahigit isang buwan, pinayagan na siya ng kaniyang mga doktor na makalabas ng isolation at makapiling ang kaniyang pamilya.
Wala na aniya ang pangamba na mahawa ang kaniyang pamilya sa Covid Pandemic.
Nagpost pa si Revilla ng kaniyang larawan kasama ang kaniyang pamilya matapos ang isang dinner kagabi.
Nagpasalamat naman ito sa pamilya at mga kaibigang nanalangin para sa kaniyang mabilis na paggaling.
Si Revilla ang pang-apat na Senador na nagpositibo sa Coronavirus disease kasunod nina Senador Juan Miguel Zubiri, Aquilino “Koko” Pimentel at Sonny Angara.
Statement Sen. Revilla:
“Thank you dear God! Salamat sa lahat ng nagpaabot ng inyong pagkalinga at panalangin. My quarantine is done.
“Just today, my doctors advised me that I can already go out of my isolation room. After over a month, I can finally be with my family na walang pangamba whatsoever“.
“Thank you, Lord for Your healing and grace in helping me get through this. Di ko din alam paano ko ito malalampasan without all of you. Maraming maraming salamat sa inyong pagmamahal at pag-alalay sa akin”.
Meanne Corvera