Senador Cynthia Villar, nananatiling pinakamayamang Senador sa bansa
Si Senador Cynthia Villar pa rin ang nananatiling pinakamayamang Senador na miyembro ng 18th Congress.
Ito ay batay sa inilabas na Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) ng mga Senador.
Sa kanyang SALN, si Villat ay may kabuuang assets na 3.8 Billion, mas mataas ng 279.6 million kumpara sa kaniyang assets na 3.5 billion noong Hunyo 2019 habang wala itong naitalang anumang liabilities.
Pumapangalawa kay Villar ang Pambansang Kamao at Senador Manny Pacquiao na may networth na 3.1 Billion.
Nasa ikatlong puwesto naman si Senador Ralph Recto na may kabuuang asset na 567.4 million na sinundan ni Senate Majority leader Juan Miguel Zubiri na may networth na 203.6 Million habang pang-lima naman si Senador Bong Revilla na may 176.3 million networth.
Nasa pang-anim na puwesto naman si Senador Sonny Angara na may asset na mahigit 142 million.
Ika-pito naman si Senate Minority Leader Franklin Drilon na may 102,259,501 asset.
Ikawalo si Senador. Grace Poe na may 97,631,508; Ika-siyam si Senador Sherwin Gatchalian na may 95,404,034; Ika-sampu si Senador Pia Cayetano na may 82,774,150.
Ika-labing isang puwesto si Senate President Vicente Sotto na may 77,772,000.
Naitala namang may pinakamababang networth sina Senador Risa Hontiveros na may 16,050,000 at Senador Leila de Lima na may kabuuang assets na 8, 323,000.
Meanne Corvera