Senador de Lima, handang gumamit ng live audio/video sa Oral arguments ng SC sa ICC withdrawal
Handa si Senador Leila de Lima na gumamit ng audio at live video feed bilang paraan ng gagawing pagdepensa sa petisyon ng oposisyon sa Korte Suprema na kumukwestyon sa legalidad ng pagkalas ng Pilipinas sa Rome Statute.
Kasunod ito ng desisyon ng Supreme Court na nagbabasura sa petisyon ni De Lima na lumahok sa Oral argument.
Ito ay batay sa inihaing Motion for Reconsideration ng oposisyon.
Sa naturang mosyon, sinabi ng oposisyon na kung hindi papayagang lumabas ng detention cell sa Kampo Krame, si De Lima maari naman syang maging taga-depensa ng oposisyon sa pamamagitan ng video o audio streaming.
Nauna nang iginiit ng oposisyon na higit na mat kakayahan si De Lima na maging taga -depensa sa kanilang petisyon dahil bukod sa naging himan rights lawyer naging kalihim pa ito ng DOJ.
Ulat ni Moira Encina