Senador De Lima, umapila sa SC na payagang tumayong abugado ng Minority block sa ICC Oral Argument
Naghain na ng kaniyang manipestasyon si Senador Leila de Lima para
hilingin sa Korte Suprema na payagang maging abugado ng Minority block
sa Senado.
Kaugnay ito ng isasagawang Oral argument ng Kataas –taasang hukuman sa
july 4 sa petisyong kumukwestyon sa legalidad ng ginawang pagkalas ng Gobyerno sa Rome statute na lumikha ng International Criminal Court o ICC.
Si De Lima ang hiniling ng Minority block na maging tagapagatanggol ng
oposisyon dahil bukod isa itong human rights lawyer, nagsilbi rin
syang kalihim ng Department of Justice o DOJ.
Sa kaniyang mosyon sa Supreme Court, may desisyon na noon ang Korte
Suprema na maging party representation kahit pa siya ay miyembro ng
Kongreso.
Magugunitang ini-anunsyo ng malacanang ang pagkalas sa ICC dahil sa
umano’y panggigipit sa Pilipinas at pagdiin sa Pangulo sa mga kaso ng
Extra judicial killings kasabay ng giyera kontra droga.
Ulat ni Meanne Corvera