Senador Ejercito inupakan ang utos ng LTFRB na nagpapahintulot na lumipat muna ang mga taga Uber sa ibang TNVS

Inupakan ni Senador JV Ejercito ang bagong kautusan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board na nagpapahintulot sa Uber Philippines na lumipat sa ibang Transport Network Vehicle Service gaya ng Grab at U-hop.

Itoy habang nakabitin pa ang desisyon sa kanilang suspensyon na tatagal pa ng isang buwan.

Ayon kay ejercito, tila lalo lang pinalala ngLTFRB ang sitwasyon sa

halip na resolbahin ang problema sa Uber.

Iginiit ni Ejercito na humingi na ng paumnahin ang Uber at handa namang magbayad ng multa at ito ang dapat resolbhin ng LTFRB.

Maari naman aniyang irekomenda ng LTFRB na ipatigil na ang kanilang operasyon kung uulitin ang kanilang paglabag at ito ang dapat desisyunan ng ahensya.

Nauna nang pinatawan ng isang buwang suspensyon ang Uber matapos mapatunayang nag-accredit at tumanggap ng mga bagong drivers at operators sa kabila ng utos ng LTFRB laban dito.

Ulat ni: Mean Corvera

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *