Senador Francis Escudero naghain ng Senate Bill para mga kawani at opisyal ng gobyerno na magreretiro
Nais ni Senador Francis Escudero na mabigyan ng automatic promotion ang mga kawani at opisyal ng gobyerno oras na sila ay magretiro
Sa Senate Bill 297 na inihain ni Escudero, tulad sa mga sundalo at pulis, bibigyan ng salary grade na isang lebel na mas mataas sa kasalukuyan nitong posisyon ang mga empleyado kapag sumapit na sa retirement pero nasa serbisyo.
Ito’y bilang pagkilala sa kanilang ambag at pagsisilbi sa bayan
Itinatakda ng panukala na nakabase sa adjusted salary grade level ang magiging computation ng kanilang benepisyo.
Sakaling maging batas, aatasan ang Civil Service Commission o CSC, Department of Budget and Management o DBM at Government Service Insurance System o GSIS na bumuo ng panuntunan para dito.
Tinatalakay na ang panukala sa technical working group ng committee on Civil Service and Professional Regulation.
Meanne Corvera