Senador Gatchalian, Hinimok ang gobyerno na ibigay na ang ayuda sa mga Private School
Hinimok ni Senator Sherwin Gatchalian ang gobyerno na bigyan na ng agarang ayuda ang mga guro sa mga pribadong eskwelahan
Kasunod ito ng report ng department of education nito lamang Setyembre na mahigit pitondaang mga pribadong eskwelahan ang titigil muna ng operasyon dahil sa epekto ng covid pandemic.
Ito aniya ang dahilan kaya may mahigit 3,200 na mga guro ng mawawala ng trabaho.
Batay sa datos ng DepEd, noong September 11, mahigit dalawang milyon pa lamang ang nag enroll sa mga private schools halos wala pa sa kalahating porysento ng datos noong nakaraang taon na 4. 3 million.
Iginiit pa ng senador na may pondo para sa ayuda sa mga guro dahil naglaan ang kongreso ng 300 million para sa one time cash assistance ng mga guro at non teaching personnel sa ilalim ng Bayanihan to recover as one law.
Hinimok ni Gatchalian ang DepEd na magkaroon ng isang database upang maging maayos ang pamamahagi ng ayuda at makipagtulungan sa mga school associations para mabilis na matukoy ang mga apektadong manggagawa .
Meanne Corvera