Senador Go, umapela sa mga kapwa Senador na pagtibayin ang Department of Disaster Resilience
Umaapila si Senator Christopher Bong Go sa mga kapwa senador na pagtibayin na ang panukalang magtatag ng Department of Disaster Resilience matapos itong aprubahan ng kamara.
Iginiit ng senador na kailangan ng bansa ang tanggapang nakatutok lang sa kalamidad.
Itoy dahil ang pilipinas ay sadyang daanan ng maraming bagyo at taon-taon libo libong mga pilipino ang nasasalanta.
Ayon kay Go, maliban sa mga bagyo, nasasalanta din ang bansa ng mga lindol, pagputok ng bulkan at iba pang sakuna kaya naman kailangan ng talagang iisang Kagawaran na tututok sa preparation, response at recovery.
Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte aniya ay pabor na magkaroon ng iisang tanggapan na may Secretary-level sa paghahanda, pagtugon at pagbangon mula sa mga kalamidad.
Meanne Corvera