Senador Gordon itutuloy ang pagsasampa ng ethics complaint laban kay Sen. Trillanes
Desidido na si Senador Richard gordon na sampahan ng reklamo sa Senate Committee on Ethics si Senador Antonio Trilllanes.
Ito’y kahit mag-sorry pa si Trillanes sa ginawang pambabastos sa kanya sa pagdinig kanina at akusahang chairman ng committee de abswelto.
Ayon kay Gordon, hindi niya na palalampasin ang aniyay masamang inasal ni Trillanes.
Sabi ni Gordon, hindi lang siya ang binastos ni Trillanes kundi maging ang mga kapwa Senador.
Pero si Trillanes hindi nababahala sa bantang ethics complaint.
Haharapin niya ang anumang reklamo na isasampa laban sa kanya
Ulat ni: Mean Corvera
Please follow and like us: