Senador Gordon umapila sa Pangulo na itigil na ang pagtatalaga ng mga pinuno sa AFP at PNP na may maikling termino
Umapila si Senator Richard Gordon kay Pangulong Duterte na pumili ng pinuno ng PNP at AFP na magtatagal sa pwesto at gagawa ng sapat na reporma.
Sa pagdinig ng Senado sa mga kaso ng mga pagpatay, sinabi ni Gorrdon na hindi natutuloy ang mga proyekto at iba pang reporma sa pnp dahil sa madalas na pag papalit ng pinuno nito
Tinukoy ni Gordon ang kasalukuyang hepe ng pambansang pulisya na si pnp chief Debold Sinas na Magre Retiro na sa Mayo samantalang noong Nobyembre lang ito naupo sa pwesto
Tila nakabase aniya ito sa pagtanaw ng utang na loob ng pangulo at pagbibigayan sa magkaka kaklase sa kanilang batch
Bukod kay Sinas, Magre Retiro sa hulyo ang bagong Chief of staff ng AFP.
Naghain na si Gordon ng panukalang batas para magkaroon ng fixed term ang mga mauupong chief of staff ng AFP na tatagal ng tatlong taon habang dalawang taon naman ang PNP Chief.
Meanne Corvera